Friday, January 23, 2009

ano kaya kung binato mo cya ng libro?

unang date: nakaupo tayo sa bench sa ilalim ng mga puno sa tapat ng starbucks gb. ikaw at ako. ng biglang dumaan itong taong may larawan sa baba. sabi ko parang kilala ko cya. sabi mo mag hi ako, sabi ko wag na kasi online ko lang naman cya kilala at duda ako na kilala nya rin ako. namilit ka at nag prisenta na batohin cya ng librong hawak ko sabay sigaw "hoy, magkakilala daw kayo!". yun ang isa sa mga unang tawa ko kasama ka. isang beses namilit akong pumunta sa may inyo, sabi mo sige, tapos nun ako ay ready na para umalis, nakasakay na ng bus at lahat bigla mo sanabing wag na lang, pagod ka na kasi, sobra, sabi mo napa oo ka lang naman kasi nakulitan ka na. wala akong nagawa kundi tumoloy na lang sa lakad ko. para naman ma feel kahit papaano ang presencya mo bumalik ako dun sa bench na yun. walang libro, wala ung mukhang nasa baba (jericho nga pala pangalan nya), wala ang bag mo na may payong, at wala ka. pero may sigarilyo naman at lighter tapos bablegam. so ayos na rin. akalain mo. may naalala pala ako.





maligayang ikaapat na mansaryo sa ikalawang date natin.

(english would have been so much better eh?)

No comments:

Post a Comment