Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at
ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang
panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang
style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs.
Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero
malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech
pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!
Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman
kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang
listahan na makapagpapatunay if you're one of
us. R U?
• Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-
man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at
kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa
Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas
singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon
na para sa superhero marathon.
• Alam mo ang jingle ng Nano-Nano.
• Nanood ka ng Takeshi's Castle at
naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi
at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay.
• Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo,
Monkey-Monkey-Annabelle, Langit-Lupa, Syato,
Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-
ano pang larong nakakapagod.
• Pumunta ang mga taga-MILO sa skul niyo
at namigay sila ng samples na nakalagay sa
plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice
cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang
lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)
• May malaking away ang mga METAL (mga
punks na naka-itim) at mga HIPHOP (mga taong
naka maluwang na puruntong na kahit Makita na
ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na
may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga
sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT
DEAD!"pero kung gusto mong mag play safe, pwede
mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.
• Alam mo ang universal uwian song
na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na
parang doon sa kinakasal.
• Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa
ATBP.
• Nakipag-away ka para makapaglaro
ng “high-tech” na brick game.
• Ang "text" noon ay mga
1"x1.5" na karton na may mga drawing ng
pelikulang pinoy, may dialog pa!
• Dalawa lang ang todong sumikat na
wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior.
Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior
nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil
pumutok ang mga ugat niya sa muscle.
• Nagsayaw ka ng running man at kung anu-
anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong
tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle
It, Pray at Can't Touch This.
• Hindi ka gaanong mahilig sa That's
Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing
Sabado kung saan nagpapagandahan ng production
numbers ang Monday hanggang Friday group.
(Badtrip ka sa Wednesday group dahil
pinakabaduy lagi ang performance nila!)
• Kilala mo ang Smokey Mountain, (1st and
2nd generation)
• Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas
ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin
itong "Mighty Kid or Dino Light"
• Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang
mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo
ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika
niyo ay si GI-JOE with alipores.
• Kung babae ka naman, ang mga laro mo
with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-
bahayan,doktor-doktoran, at kung anu-ano pang
pagkukunwari . Ang dakilang manika mo ay si
Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse
at kabaong ni Barbie.)
• Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"
Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng
Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga
pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable
at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya
parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala
pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang
naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o
sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang
dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan,
masaya na rin akong naging bata ako sa panahong
ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?
Monday, January 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
TIME FIRST or taym pit?
ReplyDeleteAlam mo ang universal uwian song
ReplyDeletena "Uwian na!" na kinakanta sa tono na
parang doon sa kinakasal.
Haha, magka-generation tayo dude. Tayo ang huling henerasyon na talagang nakaranas paano maging bata sa lansangan. Apir!
to mksurf8:
ReplyDeleteits arm pit! basa!
to mugen:
Eheads!! wag kalimutan!
isang henerasyon tanda ko sa inyo. Yung Eheads tumatambay pa lang sa molave at yakal nung time ko ;-)
ReplyDeletewait a minute, are you me? are we the same person?
ReplyDeletehow come when i was reading this it felt like the words were coming from my own brain.
please reply, so i'll know for sure that i'm not talking to me.
...
but seriously, cool blog. care to exchange links? i'll add you to my blogroll. ;)